It's been a while bago ako ulit nakapag-share ng thoughts ko guys. Well, eto, ang layo layo ko na sa inyo and I'll always treasure the good times we had before. Lets bond together again soon nalang as soon as possible na makakauwi ako. I'm here na in Singapore - magwo-work. Let me share some of the things which I observed within the days kung saan kakarating ko palang dito:
No. 1 na napansin ko pagbaba ng plane at pag labas sa Airport, WALANG ALIKABOK! Yes! I'm too allergic with dust, isa sa reason bat ako nag kakapimples at of course hika hehe. Ang saya ko na nun. (Babaw ng kaligayahan eh LOL). Sana lang naman, mahihiyang na ang skin ko dito para naman pag-uwi ko eh kutis artista na ako - ULIT hahahaha!
Isa lang ang masasabi ko pagdating sa roadways, kung tatanga-tanga ka, talagang masasagasaan ka. Eh paano naman kasi, kung sa Pinas, kung tatawid tayo, unang tingin natin eh sa kaliwa, eh pagdating dito sa kanan ka dapat tumingin kasi nga baliktad ang daan dito. Even ang mga manobela ng mga cars, nasa kaliwa lahat. Every bus should stop at their bus stop stations and napakalaki man lang ng babayaran mo pag ikaw ay nag Jay-walking at umaabot ito sa $1000 SD ($1 SD = PHP34.60)
Kung sa Pinas naman, pag sinabing "May condo ako" naku! Ang yaman yaman na nga tingin sayo pero dito naman sa Singapore, kung sino naman ang may mga bahay na direct sa lupa, sila ang mayayaman. Kita mo naman sa picture, wala ng masampayan ang mga residence dito so naisipan nalang isampay sa bawat side ng kanilang wall building. LOL ang dumi-dumi tuloy tingan at hindi rin maiiwasan, kung ikaw ay nasa 10th floor at nag sampay ka at ito ay nilipad, you have no choice kundi bumaba ka ng building at pulutin mo ang iyong mga sinampay.
The first night ko naman dito eh nagtaka lang naman ako. 7pm na, bakit ang may araw pa?! Naku sa Pinas to, 6pm palang madilim na pero dito, may araw pa. Nakaka amaze nung una pero nung tumagal din eh naging okay nalang sya para sakin LOL 4 hours din kasi ang layo ng Singapore sa Pinas kaya may difference talaga when it comes to sunset and sunrise. Don't ask me sa Sunrise kasi ang oras ng gising ko dito eh 10am eh ang 10am naman dito eh para 8am palang naman which is Nice! hehehe
Punta naman tayo sa mga kakaibang klaseng mga napansn ko dito. Kung sa Pinas eh may PUSH CART, dito naman baliktad! PULL CART! Kita mo naman while nag gogrocery kami, hindi mawala wala sa isip ko ang PULL CART nayan. Para ka lang namang bata nag lalaro ng Tarak-tarak which is totally FUNNY! Kung alam nyo lang kung gaano kalakas ang halakhak ko while taking this picture. LOL
I think that's all for now. Marami pa naman akong napansin dito eh pero baka iniisip nyo napaka ignorante ko na (totoo naman talaga LOL). Well, all I can say is "I belong"... Left handed ako eh, so lahat sakin dito eh pabor. Good thing! I'm learning to love Singapore na.. Home Sick, please layuan mo ako...